May matandang kasabihan ang mga Pilipino na "kapag may usok, may apoy."
Kaya ngayon pa lang, dapat nang paghandaan ng aktor at former PBB housemate na si Ivan Dorschner ang inaasahang pagkalat ng video scandal na, diumano, tinatampukan niya.
May katotohanan man o wala ang pang-iintriga kay Ivan, dapat ihanda nito ang sarili sa mga public opinion na haharapin niya.
Matuto siya sa nangyari kay Jim Paredes na nag-deny muna bago inako ang video scandal na pinagpistahan kahapon, April 1.
Kung totoo mang may video scandal si Ivan, mas makabubuting manahimik na lamang siya or better yet, humingi ng paumanhin, kahit hindi niya ginustong kumalat ang private video na resulta ng kapusukan niya.
After all, hindi siya nag-iisa dahil survivors ng mga video scandal controversy sina Chito Miranda, Neri Naig, Paolo Bediones, Hayden Kho Jr., Arjo Atayde, Jason Abalos, Mark Herras, at marami pang iba na maituturing ding mga biktima ng mapanghusgang lipunan.
Kung may consolation man si Ivan sa hinihintay na paglitaw ng kanyang video scandal, marami ang may gustong mapanood ito kesa sa leaked video ni Jim.
No comments:
Post a Comment