Wednesday, April 3, 2019

Ivan Dorschner kandidato rin

Actor na 71-year 0ld mas malala ang sex scandal kesa kay Jim Paredes

Lalong pinag-uusapan ngayon ang kumalat na video scandal ni Jim Paredes dahil inamin na rin niyang sa kanya iyun na dapat ay pribado.
Samu’t sari ang mga reaksyon sa statement niyang iyun na ipinost sa kanyang Twitter account. Marami rin ang tumutuligsa sa kanya, may mga pumuri naman sa tapang niya nang aminin iyun at humingi pa ng tawad.
May mga nag-suggest din na ipara­ting niya sa NBI para maimbestigahan kung sino ang nagpasimuno nang pagpakalat sa video na iyun.
Marami ang kumundena sa ginawang iyun ni Jim na sinasabing kinarma rin siya. Buwelta rin daw ito sa kanya sa mga maaanghang na sinasabi niya sa ibang tao, kalaban sa pulitika, pati sa ilang kasamahan sa industriya.
Sabi nga ng ilan, baka kaawaan pa siya kung mabait lang sana siya at hindi ganun katindi kung magtuligsa sa kapwa lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Komento rin ng ilan, madaling maghusga, madali rin magpatawad, at madaling makalimot. Matatakpan din daw ito ng mga panibago pang iskandalo.
Pero karamihan sa mga natuwa sa iskandalong kinasangkutan ng singer/composer, sinasabi nilang hindi raw nila ito makakalimutan. Forever na raw nilang alalahanin ito at ibabalik at ibabalik daw nila para maalala ng mga tao.
May hashtag pa nga silang #NeverForget.
Heto na nga! Mainit pang pinag-uusapan itong video scandal ni Jim, may kumakalat naman ngayon na panibagong video scandal ng isa ring magaling na beteranong aktor.
Narinig na namin noon ang tsismis na yan na akala ko biruan lang, pero meron daw talaga sabi ng ilang napagtanungan namin. Mas matanda pa nga kay Jim itong tinutukoy na beteranong aktor, dahil 71 years old na raw ito. Ang dagdag pang tsismis, lalaki raw ang ka-chat ni beteranong aktor habang pinapaligaya raw ang sarili.
Pinag-uusapan pa lang ang iskandalong ito, ang dami nang nandidiri at wala raw silang balak na panoorin pa. Bukod dito sa beteranong aktor, may isa pang sex video scandal na hinihintay na ring lumabas.
Itong kay Ivan Dorschner naman ang isa pang pinag-uusapan.
Nakita ko na nga ang na-screen grab sa video dahil medyo mahaba raw ang naturang ito. Kaya iyun na lang ang aabangan natin.

No comments:

Post a Comment